Nueva Ecija

Tanawan

Ang Tanawan ay matatagpuan sa Fort Magsaysay sa lungsod ng Palayan. Ang lugar na ito ay nakilala dahil sa tanawing makikita dito. Mula sa itaas ng bundok na ito ay makikita ang kabuuan ng karatig lungsod na Cabanatuan kasama na rin ang ganda ng kalikasan.

Pantabangan Dam and Lake

 

pantabangan

Ang Pantabangan Dam sa bayan ng Pantabangan ay ang pangunahing pinagkukuhanan ng tubig  sa Nueva Ecija at ilang mga karatig probinsya. Ito ay pangalawa sa pinakamalaking imbakan ng tubig sa buong South East Asia at itinuturing din ang tubig nito na pinakamalinis sa buong bansa. Bukod sa inuming tubig ito rin ang nagpapaandar sa hydropower plant ng probinsya.

Minalungao National Park

Ito ay matatagpuan sa bayan ng General Tinio. Ang Minalungao National Park ay may lawak na dalawang libo’t walampu (2,018) na ektarya. Matatagpuan dito ang parte ng Peñaranda River na napapagitnaan ng dalawang malalaking bato o apog sa paanan ng bundok ng Sierra Madre. May mga kweba din na matatagpuan sa lugar na ito.

Dupinga River

Ang Dupinga River ay makikita sa Gabaldon. Ito ay isang ilog sa paanan ng bulubundukin ng Sierra Madre. Ito ay paboritong puntahan ng mga lokal na turista at mga taga-Nueva Ecija tuwing panahon ng bakasyon dahil sa malinis at malamig nitong tubig.

Pajanutic Falls

pajanutic-falls

Pajanutic Falls

Ang Pajanutic falls ay matatagpuan sa barrio ng Mejedigan sa bayan Carranglan. Ito ay may lawak isa’t kalahating (1.5) ektarya at may taas labing-limang (15) metro.

Gabaldon Falls

Palasapas Falls

palasapas.jpg

Sa siyudad ng San Jose, barrio ng Manicla matatagpuan ang Palasapas Falls. Ito ay may layong pitong (7) kilometro mula sa sentro ng siyudad.

Binbin Falls

bin

Ang talon na ito ay makikita sa barangay ng Binbin sa bayan ng Carranglan. Ito ay may tatlong talon na napapaligiran ng malalagong halaman.

Gapan Heritage Street (Delos Reyes Street)

Ang gandang taglay ng lugar na ito ay ang mga makalumang bahay na nakatayo sa kalye ng Delos Reyes sa siyudad ng Gapan. Ang simbahan ng Virgen La Divina Pastora ay makikita rin dito at ito ay itinayo noong taong isang-libo walong daan at pitumpo’t dalawa (1872).